maradjaomagbalantay.com

Archive for the '• Pinoy and Funny' Category


Short Talk

Posted by maradjao_admin on 28th April 2007


REPORTER: Madam President, kung buhay si Ninoy ngayon, siguro pangulo na siya.
CORY: Hindi siguro. Baka bilanggo siya, kamo.
REPORTER: Bakit naman po?
CORY: Baka napatay na niya si Kris.
———— ——— ——— ——— ——-
JUDGE: Isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?
ACCUSED: Meron po. Pulis po ako.
———— ——— ——— ——— ——-
BETH: Halata na ang tiyan mo a. Bakit hindi pa kayo papakasal ng BF mo?
MARIA: Ayaw ng pamilya niya eh.
BETH: Sinong may ayaw–tatay o nanay?
MARIA: Yung misis niya.
———— ——— ——— ——— ——-
Sa Quiapo Church :
MRS: Lord, bigyan ninyo ako ng P1,000 kasi anak ko na sa ospital.
(Narinig ng pulis, naawa, binigyan ng P500.)
MRS: Lord, next time huwag niyong ipadaan sa pulis, Nabawasan agad.
———— ——— ——— ——— ——-
PASSENGER: Manong, bayad.
DRIVER: Saan galing?
PASSENGER: Sa akin.
DRIVER: Papunta saan?
PASSENGER: Sa ‘yo.
———— ——– ——— ——— ——–
Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino ‘yun?
Mister: DA COS of all my ZORROs!
———– ———- ———— — ———— - ——–
Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!
———— — ———— —- ———— - ———— ——-
Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya…
Jorge: Ano’ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo ‘yung kabayo!
———— —- ———— — ———— - ————
Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.
———— — ——— ———– ———- ———-
Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!
——– ———– ———– ———— ————
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado ‘yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.
———— ———— ———— — ———— ———–
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na kama :
TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na lang matulog. (Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!
***********************
Dear Dodong,
Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo.
Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk …
Nagmamahal,
Nanay
***********************
ANAK: ‘Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng “cocomban”.
TATAY: Ano ka ba naman! Hangga ngayong “cocomban” pa rin tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!
********************************
MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di ako nakauwi!
*****************************

PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid.Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!
************************************
At a funeral…
ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: “REMAINS WILL BE CREMATED.”
*****************************
Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee.
Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko ung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton “SUGAR FREE.”
****************************
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo ‘tong puzzle!
PEDRO: Talaga?! Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba ‘yun? Nakalagay nga dito: “for 3 years & up”!

Posted in • Life Lessons, • Pinoy and Funny | No Comments »

Rock ‘N Roll Version of a Mass Song

Posted by maradjao_admin on 21st April 2007

Posted in • Pinoy and Funny | No Comments »

Lola meets Lolo

Posted by maradjao magbalantay on 3rd April 2007

Wow mali…! Ha..! HA..! HA…! Ha….!

Posted in • Pinoy and Funny | No Comments »

Dad and Son

Posted by maradjao magbalantay on 31st March 2007

Complete Version


Dad: Anak bili mo ko ng softdrink
Anak: Coke o Pepsi
Dad: Coke
Anak: Diet o Regular
Dad: Regular
Anak: Bote o can
Dad: Bote
Anak: 8 oz o Litro
Dad: Bwisit tubig na lang
Anak: Natural o Mineral
Dad: Mineral
Anak: Malamig o Hindi
Dad: Hampasin kaya kita ng walis
Anak: Tambo o Tingting
Dad: Hayop ka!
Anak: Baka o baboy
Dad: Layas!
Anak: Ngayon na o Bukas
Dad: Ngayon na!
Anak: Hatid mo ko o Hindi
Dad: Patayin kaya kita!
Anak: Sasaksakin mo o Babarilin
Dad: Babarilin!
Anak: Sa ulo o sa tiyan
Dad: Peste!
Anak: Ipis o Daga
Dad: Ahh leste ako na ang bibili
Anak: Ingat dad.

Posted in • Pinoy and Funny | No Comments »

Muslim women and spaghetti

Posted by maradjao magbalantay on 21st March 2007

Muslim women and spaghetti

Posted in • Pinoy and Funny | No Comments »